Ganap sa Politika


Ano ang Politika?
       *  Ito ay isang organisasyong kontrol sa isang tao sa komunidad.
      *   Pulitika:
 Ang madalas natin na alam bilang "pulitika" ay nakatuon sa dalawang mga sukatan ng kultura: (1) ang pagbibigay at paggamit ng kapangyarihan, at (2) mga pinaniniwalaang binibigyang-halaga tungkol sa kung ano ang gusto. Ang mga ito ay parehong mahalaga sa tagapagpakilos

Paano nga ba ang Politika nakaapekto sa Lipunan?
         May dalawang bagay magagamit ang Politika sa Lipunan; Ito ay sa mabuti o sa madilim na kagamitan. Dahil sa Politika ay nagkaroon ng mga tagapamahala kung saan nakapagbubuo ng mga batas alang-alang sa kalikasan at bawat indibidwal. Subalit, hindi lang Pilipinas nangyayari ang kasakiman kundi sa saan man sulok ng mundo rin. Sa Pilipinas, hindi maitatanggi ang mga taong walang ibang iniisip kundi ang kanilang sarili lamang at sila ay nakaluklok sa pwesto(Hindi Lahat).
          Dahil sa kasakiman, Ito ay nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan. Marami sa kanila ang nakaanyong anghel ngunit may maiitim na budhi. kung patuloy ang mga Pilipino maging uto-uto sa mga malahimuyak na salita nila ay patuloy ding maghihirap ang kanilang buhay.
           Sa kabilang banda, mayroon paring natitira na lumalaban sa totoong kasamaan. Pero hanggat hindi nawawala ang mga sakim ay patuloy tayong magdurusa.


"Politika ang ugat ng Pagbagsak at Pag-angat ng Lipunan"
            Nakasalalay sa ating mga kamay ang bagbabago. Ngunit kailangan ng isang bansa ang matino at may paninindigan na mamumuno. Hindi aangat ang isang bansa kung walang matagumpay na mamumuno. Lulubog at lulubog ang bansa kung ang pamahalaan ay lubog din sa kanyang sariling katayuan. Lahat ng buhay ay nakasalalay sa isang malaking organisasyon dahil dito nakasailalim ang mga kilos at kilusan sa pagtamasa ng kaunlaran. Nasa iisang malaking barko tayong lahat at kung pwede sana ay panatilihin natin itong lumulutang at nakaandar tungo sa mas malawakang kaginhawaan.
      
Tandaan:

Sa mga pagkakataong to, huwag natin pairalin ang katangahan. Magsaliksik sa mga tunay na kaganapan nang sa ganon ay makita ang tunay na hindi karapatdapat.




(ang mga nakalathala sa itaas ay pawang kathang isip lamang na may pangatwiran batay sa katutohanan na nagaganap sa realidad at ito ay gawa para sa isang proyekto sa paraalan).

Inilathala ni: Mr. C